Isang malungkot na sitwasyon at isang katunayan na ang labis na pag-inom ng alak ay nakaaapekto hindi lamang sa buhay ng isang alcoholic kundi pati na rin sa buhay ng mga taong nasa kanyang paligid lalo na ang kaniyang pamilya at mga kamag-anak. Ang isang taong may problema sa alcohol ay mayroong problema hindi lamang sa kanyang araw-araw na buhay kundi pati na rin sa kanyang trabaho at mga relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Sa katunayan, maraming mga tao na may ganitong uri ng problema ang nakaaapekto sa kanilang mga pamilya sa aspetong pisikal at psychological.
Ang tunay na problema na kailangang resolbahin ay ang pagiging bukas sa mga opinion at kuro-kuro ng ibang mga tao na may higit na nalalaman sa mga ganitong sitwasyon at kondisyon. Ang mga taong lulong sa ipinagbabawal na gamot o may tendensiyang uminom ng labis at abusuhin ang katawan ay kinakikitaan ng pagtanggi sa kaniyang ginagawa at mga pangyayari. Maaaring hindi pa siya handa sa paghinto sa pag-inom o hindi niya alam ang kanyang tunay na karamdaman. Maaaring kung siya papayuhan o sasabihan ng kanyang mga kaibigan tungkol sa kanyang malimit na pag-inom ay itatanggi niya ito at sasabihing wala naman siyang problema. Gayunpaman, kailangang ulit-ulitin na sabihan siya sa kanyang mga asal at gawi upang lubusan niyang maunawaan ang kanyang kalagayan. Kinakailangan niya ang maraming paalala upang maging lubusan din naman ang kanyang pag-iwas sa alak.
Ang suporta ng mga pamilya lalo na ang asawa o anak ay makakatulong ng lubos upang maging inspirado ang isang indibidwal na nagnanais na huminto sa pag-aabuso sa alak. Kailangan ng pamilya na asikasuhing mabuti ang taong may sakit na alkoholismo upang maipagpatuloy ang mga palno na huminto na sa pag-inom ng alak. Kung ang mga miyembro ng pamilya ay tutulong sa ika-aayos ng mga sitwasyon, higit silang makikinabang sa tagumpay na makakamit.
Ang pamilya ang dapat na nakaalalay at sumusuporta sa isang alcoholic. Mabibigyan ng magandang recovery ang isang tao kung patuloy siyang tutulungan ng mga kamag-anak at miyembro ng pamilya. Makahihinto sa labis na pag-inom o binge drinking sa wikang English ang isang tao kung siya ay makakaramdam ng suporta at pagmamahal na galing sa kanyang mahal sa buhay.
Makatutulong din ng malaki kung ang isang pamilya ay magkakasundo-sundo sa pagtulong sa kanilang miyembro. Hindi dapat na mahati ang kanilang mga ideya at plano para sa ikagaganda ng kondisyon ng isang alcoholic. Makatutulong ang pagsugpo sa alcoholism kung sama-samang pagtutulungan ang problema. Mas mainam na mag-usap ang mga miyembro ng pamilya sa kung ano ang dapat na gawin before the actual quitting takes place.
Laging tandaan na ang kagustuhang maitigil ang mga problema sa labis na pag-inom ay nangangahulugan ng actual na paghinto dito upang maalis ng lubusan sa sistema ang alak at alcohol. Ang mga chemical na kasama sa mga ganitong uri ng inumin ay nakakapinsala sa katawan ng tao lalo’t higit kung inaabuso. Ang tanging paraan upang mawala sa sistema ang mga chemical na ito ay ang pag-iwas at paghinto sa pag-inom ng alak.